Duterte, iginiit na hindi siya magiging banta sa demokrasya

Hindi ako banta sa demokrasya!

Ito ang binigyang idiin ni Presidential Candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte kaugnay sa pahayag ng Liberal party na banta umano sa demokrasya ng bansa ang alkalde.

Giit ni Duterte, ang tunay na banta sa demokrasya ay yung mga taong na sa taas tulad ng mga mayayaman na umaabuso sa mga mahihirap at ang mga nagnanakaw sa kaban ng bayan.

Una ng nanawagan ang kampo ni dating Interrior Secretary Mar Roxas sa publiko na huwag iboto sa darating na eleksyon si Duterte dahil sa pagiging banta umano nito sa demokrasya.

Speak Your Mind

*