Duterte, inaasahan na ang mas matindi pang paninira

Hindi na ikagugulat pa ng kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang titindi pa ang Black Propaganda laban sa presidential candidate kasunod ng kaniyang pangunguna sa mga survey.

Sinabi ng National Campaign Manager ni Duterte na si Leonicio Evasco Jr. na hindi sila aatras sa mga paninira dahil hawak nila ang katotohanan.

Aniya nais ng iba pang kandidato na hilahin pababa si Duterte sa pamamagitan ang mga makapanirang pahayag tulad ng inilabas ni Vice President Jejomar Binay kung saan sinasabi niyang huwag iboto si Duterte dahil sa Extra Judicial Killing.

Binatikos din ni Mar Roxas si Duterte at sinabing puro ampaw lamang ang pinagsasabi ng alkalde.

Ganunpama, patuloy na nanawagan si Duterte sa kanyang mga tagasuporta na tulungan siya sa kanilang kandidatura.

Speak Your Mind

*