Duterte, inilatag ang plataporma sa harap ng mga negosyante sa Makati Business Club

Duterte on MBCInilatag din ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang mga plataporma at plano sakaling manalo sa eleksyon sa Mayo a-nwebe.

Tinalakay ni Duterte ang kanyang pamamaraan para maresolba ang problema sa korapsyon at kriminalidad sa harap ng mga negosyanteng miyembro ng Makati Business Club.

Kabilang din sa kanyang mga ipinirisinta ang kanyang mga gagawin sa sektor ng agrikultura, edukasyon, at kalusugan na aniya’y kanyang prayoridad.

Tinalakay din ng alkalde ang usapin sa West Philippine Sea.

Ipinaliwanag din ni Duterte ang kanyang pananaw patungkol sa kababaihan matapos ang kontrobersyal na komento patungkol sa isang australyanang ginahasa at pinatay sa isang hostage crisis sa Davao noon.

Speak Your Mind

*