Duterte, nagpapasalamat na sa lahat ng mga taga-suporta

Umaasa ngayon si Presidential Candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte na mapapanatili nito ang pwesto sa mga presidentiable survey hanggang sa mismong araw ng eleksyon sa mayo a-nuwebe.

Lumalabas sa pinakahuling presidential survey ng Social Weather Stations-business World’s noong Marso a-30 hanggang Abril 2 nakuha ni Duterte ang No.1 post na may 27 percent.

Habang nasa ikalawang puwesto naman si Senador Grace Poe na may 23 percent.

Sa ngayon, nagpapasalamat si Duterte sa lahat ng mga taga-suporta nito lalo na sa butihing Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy kung saan natulungan talaga ito sa kanyang pangangampanya.

Speak Your Mind

*