Duterte, nanguna na sa pinakahuling pre-election survey ng SWS

Nanguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinaka-huling survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Marso a-trenta hanggang Abril a-dos.

Nakuha ni Duterte ang 27 percent ng voters preference sa 1,500 na respondents sa naturang survey.

Dikitan naman ang laban nina Senador Grace Poe na nakakuha ng 23 percent, Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 20 percent, at dating Interior Secretary Mar Roxas na nakakuha ng 18 percent.

3 percent naman ang nakuha ni Senador Miriam Defensor-Santiago.

Plus minus three points naman ang margin of error sa naturang survey.

—–

Marcos, nanguna rin sa SWS survey

Nanguna rin si Senador Bongbong Marcos sa naturang survey ng Social Weather Stations (SWS).

Nakuha ni Marcos ang 26 percent.

Statistical tie naman si Senador Francis “Chiz” Escudero na nakakuha ng 21 percent at Congresswoman Leni Robredo na nakakuha naman ng 19 percent.

13 percent naman ang nakuha ni Senador Alan Peter Cayetano habang 5 percent naman ang nakuha ni Senador Gringo Honasan at Senador Antonio Trillanes the fourth.

Speak Your Mind

*