Duterte, nanguna sa Mock Elections ng mga empleyado ng NAIA

Nangunguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa isinagawang Mock Elections ng Samahan ng mga Mangagawa sa Paliparan ng Pilipinas (SMPP) sa Ninoy Aquino International Airport Terminals noong linggo.

Ayon kay SMPP President Fering Lopez, nakakuha ng 306 votes si Duterte habang pumangalawa naman si Vice President Jejomar Binay na nakakuha namang ng 181 votes, si Grace Poe naman ay may 52, si Miriam Santiago ay may 32 votes at si Mar Roxas ay nakakuha lamang ng 23 votes at ang 17 ay idineklarang Spoiled Ballots.

Sa Vice Presidential Candidate, nangunguna si Bongbong Marcos na may 452 votes, Francis Escudero na mayroong 50 votes, Leni Robredo 49 votes, Allan Peter Cayetano 46 voters, Gringo Honasan, 10 votes habang nakakuha lamang ng 7 boto si Antonio Trillanes.

Ang sistema kahapon ng hapon dinala ng mga miyembro ng SMPP ang mga selyadong Ballot Boxes sa apat na terminal ng NAIA at pagkatapos agad itong kinolekta at dinala sa SMPP Office.

Binilang kaninang umaga ang nasabing balota sa harap ng mga miyembro ng SMPP at media.

Speak Your Mind

*