Duterte, nanguna sa pre-election survey na isinagawa ng MBC

Nanguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pre-election survey na isinagawa ng mbc.

Sa nasabing nationwide survey, nakuha ni Duterte ang 36 percent.

Pumangalawa naman si Senadora Grace Poe-Llamanzares na nakakuha ng 28.2 percent.

Ayon naman kay U.P Political Analyst Professor Ranjit Rye, sina Duterte at Poe na lamang ang nakikita niyang maglalaban sa eleksyon.

Samantala, sinundan naman si Poe ni Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 15.3 percent habang 15.2 percent naman ang nakuha ni dating Interior Secretary Mar Roxas.

3.5 percent naman ang nakuha ni Senador Miriam Defensor Santiago, 0.2 percent naman sa namayapang si Roy Señeres habang 1.8 percent naman ang undecided.

7,490 ang nagsilbing respondents sa nasabing face-to-face survey.

Speak Your Mind

*