Duterte, nanguna sa ‘Slurpee’ Mock polls ng 711 Convenience Store

Nangunguna si Presidential Candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa ‘Slurpee’ Mock Poll ng 7-11 Convenience Store na may pinakamalaking brances sa buong bansa.

Sa isinagawang ‘Slurpee’ Mock Poll na may petsang Marso a-23 hanggang Abril a-uno, nakuha ni Duterte ang 58 porsyento ng kabuuang bilang ng mga bumili ng “7-election cups” sa buong bansa.

Sunod naman na nakakuha ng maraming boto ang undecided kung saan nakapagtala ng 14 na porsyento.

Pangatlo naman sa naturang “7-election cups” si Sen. Grace Poe na may labing isang poreysnto.

Pang-apat naman si Sen. Miriam Defensor-Santiago na may 6.3 percent at si Vice President Jejomar Binay na may 5.9 percent.

Nangulelat naman sa naturang mock election ang pambato ng kasalukuyang administrasyon na si Former Interior Secretary Mar Roxas na nakakuha lamang ng apat na porsyento.

Speak Your Mind

*