Duterte, nanguna sa survey na kinomisyon ng isang pahayagan

Muling nanguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa survey ng Laylo Research Strategies na kinomisyon ng isang pahayagan kung saan nakakuha ito ng 30 percent ng 3,000 respondents sa survey noong marso 26 hanggang abril 1.

Ikalawa si Sen. Grace Poe sa 27 percent, ikatlo si Mar Roxas sa 21 percent, ikaapat si VP Jejomar Binay sa 18 percent at sen. Miriam Defensor Santiago, 2 percent.

Kasabay nito, hindi umano nababahala ang Liberal Party (LP) kung si Duterte na ang nangu­nguna sa survey, higit isang buwan bago ang may 9 presidential elections.

Katuwiran ni LP Spokesperson at Rep. Barry Gutierrez, ang pagbaba at pagtaas ng rating ni Duterte ay indikasyon na nag-iisip pa rin ang taumbayan kung nararapat nga itong iboto sa darating na halalan.

Malaki, aniya, ang kaibahan sa sitwasyon ni Roxas dahil sa may solid supporters ito na inaasahang hindi na babaligtad pagsapit ng halalan.

Speak Your Mind

*