Duterte, nanguna sa survey ng Pulse Asia

Muling naungusan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte si Senador Grace Poe sa survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng ABS-CBN.

Nakuha ni Duterte ang 30 percent voters preference habang 25 percent naman ang kay Poe.

Statistically tied naman sa ikatlong pwesto sina Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 20 percent at Mar Roxas na nakakuha naman ng 19 percent.

Ginawa ang survey noong Marso a-bente nwebe hanggang Abril a-tres sa apat na libong rehistradong botante sa buong bansa.

May plus minus 1.5 percent ang margin of error ng naturang survey.

Speak Your Mind

*