Duterte, tiniyak na hindi magdedeklara ng Martial Law kapag nahalal

Hindi na kailangan magdeklara ng martial law!

Ito ang tiniyak ng kampo ni PDP Laban Standard Bearer Rodrigo Duterte matapos sabihin ni Senador Juan Ponce Enrile na ito ang nakikitang paraan para mangyari ang ipinangako ng alkalde ng Davao City.

Ayon sa tagapagsalita ni Duterte na si Peter Lavina, ang kailangang lamang gawin ni Duterte para mangyari ito ay ang ipatupad ng mabuti ang mga batas, atasan ang mga ahensiya ng pamahalaan na gamapanan ang kanilang trabaho, paganahin ang Penal System ng bansa at hingin ang kooperasyon ng publiko.

Una nang sinabi ni Duterte na kapag nahalal ito sa pagkapangulo at aalisin nito ang korapsyon, kriminalidad at iligal na droga sa bansa sa loob ng anim na buwan.

Speak Your Mind

*