Enrique Gil, nagpaliwanag sa kumakalat ng picture nila ni Liza Soberano

Nagsalita na ang young actor na si Enrique Gil kaugnay sa kumakalat na isang picture kung saan makikita na hinawakan umano ng aktor ang dibdib ng teen star na si Liza Soberano habang nasa isang siksikang event.

Paliwanag ni Gil, mukha lamang nakahawak ang kanyang kamay sa naturang anggulo ng picture pero hindi naman talaga aniya ito nakahawak.

Bukod dito, mismong si Liza pa umano ang nagpakita sa kanya ng kontrobersyal na larawan at pareho raw nilang hindi maalala ang ganoong eksena.

Pinatunayan naman ng isang netizen na nandun sa naturang event na hindi totoo ang kumakalat na isyu.

Sa kuha nito na ibang anggulo, makikita na hindi talaga nakahawak ang kamay ng naturang aktor kundi nakatapat lamang.

Makikita rin sa larawan na napapaligiran sila ng maraming tao, at marahil daw ay pinuprotektahan lamang ni Enrique ang kapareha mula sa mga taong gustong lumapit sa kanila.

Speak Your Mind

*