Esang de Torres, kasama na sa Cast ng Les Miserables

Kasama na sa International Cast ng Les Miserables na mapapanood sa bansa si Esang de Torres, ang top 4 finalist ng season 2 ng the Voice Kids.

Si Esang ang gaganap na Young Cosette sa Les Miz at kakantahin ang Castle on a Cloud.

Si Lea Salonga na coach ni Esang sa the Voice Kids ang nagpakilala kay Esang kay Cameron Mackintosh, producer ng Les Miz.

Dumaan si Esang sa matinding rehearsal bago isalang sa Les Miz na napapanood sa theater solaire sa Solaire Resorts and Casino hanggang sa May 1.

Sinabi pa ni Salongga na sa ganda ng boses, tiyak na magugustuhan ng audience si Esang.

Speak Your Mind

*