Farewell fight ni Kobe Bryant, inaabangan na

Inaabangan na ng mga die hard fans ang huling laban ngayong araw ni Kobe “Black Mamba” Bryant sa NBA.

Hindi rin alintana ng mga ito ang mataas na presyo ng ticket sa nasabing farewell fight.

Aabot sa ten thousand dollars ang presyo ng ticket sa courtside habang 700 dollars naman ang pinakamura.

Kahaharapin ni Bryant at ng Los Angeles Lakers ang Utah Jazz sa Staples Center, Los Angeles, California.

Dalawang dekada nang naglaro sa Lakers si Bryant.

Speak Your Mind

*