FEU, pasok na sa final 4 ng UAAP season 78 Women’s Volleyball

Pinayuko ng Far Eastern University (FEU) the Lady Tamaraws ang Adamson University Squad (AUS) sa nagpapatuloy na the UAAP Season 78 Women’s Volleyball Tournament.

Tinalo ng Lady Tamaraws ang AUS sa apat na set sa iskor na 25-23, 25-22, 20-25, 28-26.

Hawak ngayon ng FEU ang ikatlong pwesto sa final 4 na may standing na 9 wins – 5 loss record.

Nananatili namang nasa no.1 seed ang Ateneo de Manila University na may 11 wins – 2 loss record at sinusundan naman ito ng de La Salle University na may 10 wins – 2 loss record.

Samantala, nag-aagawan naman para sa final 4 ang University of the Philippines at National University na parehong may record na 7 wins at 6 loss.

Speak Your Mind

*