Final testing and sealing ng VCM, isasagawa ngayong araw

Ngayong araw na isasagawa ang final testing and sealing ng mga Vote Counting Machines (VCM) na gagamitin sa Overseas Absentee Voting (OAV).

Ayon kay Comelec Commissioner Arthur Lim, bahagi ng proseso ang pag-selyo sa mga makina bago ang mismong paggamit dito upang matiyak na dumaan ang mga ito sa mahigpit na pagsusuri.

Sa Hong Kong, sampung VCM ang gagamitin para sa siyam na libong botante.

Ang Overseas Absentee Voting ay magsisimula sa Abril a-nuebe hanggang Mayo a-nuebe ng taong kasalukuyan.

Isasagawa ang OAV sa mga embahada, konsulada at iba pang lugar na pinili ng DFA at Comelec.

Speak Your Mind

*