Final testing and sealing para sa gagamiting VCM, kasado na

Kasado na ang isasagawang final testing and sealing sa mga Vote Counting Machine (VCM) na gagamitin para sa darating na halalan sa Mayo a-nuebe ngayong taon.

Alinsunod sa Comelec resolution number 1-0051, isasagawa ang final testing and sailing sa mga VCM ilang araw bago ang eleksyon, kayat itinakda ito sa darating na Mayo a-sais sa lungsod ng san carlos.

Ayon kay Atty. Eric Oganiza, Election Officer ng San Carlos na mahalaga ang pagsasagawa ng final testing and sailing upang matiyak na walang magiging aberya sa mga VCN sa mismong araw ng halalan.

Unang dumating sa lalawigan ng Pangasinan ang mga election materials ganun din ang VCM na gagamitin sa pagbasa ng boto at mag-iimprinta ng voters receipt o resibo.

Speak Your Mind

*