Food and Water Borne diseases, binabantayang sakit din sa tag-init

Kabilang din sa binabantayang sakit ngayong tag-init ang mga Food and Water Borne diseases.

Sa ginanap na KBP Forum kahapon, sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Anna de Guzman na kabilang sa mga summer diseases ay ang pagtaas ng kaso ng sakit na Tipus, Typhoid, Cholera, at Gastroenteritis kasama na rito ang pagtatae at pagsusuka.

Binigyan diin ni Dr. De Guzman na nakukuha ang naturang mga sakit sa kontaminasyon sa maruming tubig at pagkain na may mataas na bacteria ng e-coli.

Hindi aniya maitatanggi na kapag panahon ng summer vacation, maraming mga turista ang naliligo sa dagat at swimming pool at sa di inaasahan ay nakakainum ang mga bata ng madumi o kontaminadong tubig.

Speak Your Mind

*