Forum kaugnay sa YAFS-Survey, isasagawa ng POPCOM Region 1

Nakatakdang isagawa ng Commission on Population (POPCOM) Region 1 ang forum kaugnay sa Young Adult Fertility and Sexuality study (YAFS) isang cross-sectional survey sa mga kabataang Pilipino na edad 15-24 taong gulang.

Ang aktibidad na ito ay sa pangunguna ang POPCOM Region 1 at Demographic Research and Development Foundation (DRDF) Inc., na gaganapin sa Hotel Ariana, Bauang La Union sa darating na Mayo a-kwatro.

Ayon kay Erma Yapit, POPCOM Regional Director, ilalatag sa YAFS forum ang mga impormasyon hinggil sa sexual and non-sexual behavior, education, labor force participation, family relationships, attitudes, values at iba pang pag-uugali ng mga kabataan.

Ito umano sa isa sa mga tinitingnan aspeto o dahilan kung bakit marami sa mga kabataan ang nakakaranas ang depression at pagtatangkang pagpapakamatay.

Speak Your Mind

*