Gaganaping Pangasinan Tourism and Trade Expo, kasado na

Kasado ang mga isasagawang Pangasinan Tourism and Trade Expo na magsisimula sa darating na Biyernes, Abril a-bente dos na bahagi ng Pistay Dayat Festival 2016.

Ayon kay Maria Luisa Elduayan, hepe ng Provincial Tourism Office mahigit isang daang stall na ang kumpirmadong makikilahok sa trade expo na makikita sa palibot ng Pangasinan Training and Development Center.

Sinabi pa ni Elduayan na layun ng aktibidad na maipakita ang yaman ng Pangasinan sa karagatan at kailugan sa pamamagitan ng environment program sa mga coastal resources.

Kasabay nito, hinikayat naman ni Elduayan ang pakikipagtulungan ng lahat ng bumibisita sa capitol ground na panatilihan ang ganda at kalinisan ng lugar sa pamamagitan ng hindi pagtatapon ng basura.

Inaasahan naman na matutunghayan sa trade expo ang ibat-ibang produkto o one town one product ng ibat-ibang bayan sa mga karatig lalawigan ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*