Golden State Warriors, determinadong makuha ang ika-73 panalo

Determinado si Stephen Curry at ang buong Golden State Warriors na makuha ang makasaysayang ika-pitumpu’t tatlong panalo sa paghaharap nila ng Memphis Grizzlies bukas.

Ayon kay Curry, desidido silang tapusin ang Grizzlies at makuha ang kampeonato.

Ngayon ay pantay na ang winning record ng Warriors at ng 1995-1996 Chicago Bulls matapos manalo ang Warriors sa San Antonio Spurs para sa ika-pitumpu’t dalawa nitong panalo.

Maging ang mga miyembro ng 1995-1996 Chicago Bulls ay binati ang warriors sa naturang tagumpay.

Speak Your Mind

*