Golden State Warriors, nakapagtala ng bagong record sa NBA

Hawak na ngayon ng Golden State Warriors ang panibagong record sa NBA na may pinaka-maraming panalo sa isang regular season.

Ito ay matapos na talunin ng defending champion ang Memphis Grizzlies sa iskor na 125-104 at kunin ang 73 wins – 9 loss record.

Dahil sa naturang panalo, na-ungusan nila ang record ng Chicago Bulls noong 1995-1996 regular season na may 72 wins- 10 loss record.

Pinangunahan naman ni Stephen Curry ang warriors matapos kumuha ng 46 points.

Samantala, sakabila ng naturang record-breaking na ito, isa pa umanong malaking hamon sa Golden State ang makuha ang championship title para tuluyan nilang mabura ang record ng Chichago.

Noong 1995-1996 NBA season, maliban sa nakuha ng Bulls ang may pinaka-maraming panalo sa isang regular season ay nagawa rin nilang makuha ang championship belt sa naturang NBA season.

Speak Your Mind

*