Golden State Warriors, wagi kontra San Antonio Spurs

Nasungkit ng Golden State Warriors ang ika-72 nilang panalo ngayong NBA season.

Ito ay makaraang talunin ng Warriors ang San Antonio Spurs sa iskor na 92-86 sa pagpapatuloy ng Western Conference.

Nanguna sa panalo ng Warriors si reigning MVP Stephen Curry na kumamada ng 37 puntos.

Dahil dito, napantayan na ng Warriors ang regular season wins ng Chicago Bulls noong 1995 hanggang 1996 na may 72 panalo at 10 talo ay may pinakamaraming panalo sa kasaysayan.

Target naman ngayon ng Warriors na makapagtala ng panibagong record sa oras na manalo sa susunod nilang mga laban.

Speak Your Mind

*