Grade 10 student, record breaker sa secondary girls 3000-meter run

Nasungkit naman ng isang grade 10 student mula sa Davao Del Sur ang gold medal para sa secondary girls 3000-meter run.

Ito ay makaraang tapusin ng estudyanteng si Mea Gay Nimura ang naturang kompetisyon sa loob lamang ng 10 minuto at 3.43 seconds.

Binasag nito ang record ni Jie Ann Calis sa Tagum, Davao Del Norte noong 2015 kung saan tinapos nito ang naturang kompetisyon sa loob ng 10 minuto at 10.16 segundo.

Binura rin ni Nimura ang 10:09.95 na itinala ni Rosalinda Catulong noong 1980 national open sa Marikina.

Dahil sa kanyang ipinakita ay kinukuha si Nimura ng mga United States Schools na UCLA-Berkeley at University of Southern California-Oregon bukod pa sa University of Santo Tomas.

Speak Your Mind

*