Hailee Steinfeld, nasa bansa para i-promote ang album na “Haiz”

Bukas na magsisimula ang 3-days show ng fil-american singer/actress na si Hailee Steinfeld para sa pag-promote ng kanyang album na “Haiz” na inilabas niya noong 2015.

Sa april 8 nakatakdang bumisita ni Steinfeld sa Uptown Mall na susundan sa Bonifacio Global City sa april 9 at magtatapos sa april 10 sa Venice Grand Canal sa McKinley Hills.

Bago rito, una ng sumabak sa iba’t-ibang mga Radio Guestings ang naturang 19-year-old fil-am actress pagdating nito sa bansa.

Samantala, bago pa man ang music career ni Steinfeld ay lumabas din ito sa Hollywood Films gaya ng ‘Ender’s Game’, ang 2013 adaptation ng ‘Romeo and Juliet’, ‘Begin Again’ at ang hit musical na ‘Pitch Perfect 2′.

Speak Your Mind

*