Ika-27 Oplan Galugad sa Bilibid, may nakukuha parin

Higit dalawandaang bala at isang baril ang nadiskubreng nakatago sa kisame ng maximum security compound ng New Bilibid Prison sa isinagawang oplan galugad.

May mga patalim ding nakuha na itinago naman sa kisame ng isang kwarto sa quadrant one.

Kumpiskado rin ang anim na cellphone sa Batang City Jail Turf habang isandaang phone casing, baterya, at charger naman ang isiniksik sa dingding ng building 6-a quadrant one.

Nasabat din ang mga appliances gaya ng mga T.V. at mga rice cookers.

Ito na ang ika-dalawampu’t pitong oplan galugad na isinagawa sa bilibid.

Speak Your Mind

*