Ikalimang nuclear bomb test, inihahanda na umano ng North Korea

Inihahanda na ng North Korea ang kanilang ikalimang nuclear bomb test

Iginiit ni South Korean President Park Geun-hye na mayroon umanong mga senyales ang naturang hakbang ng North Korea.

Ayon kay Park, gagawin umano ito ng nokor para pataasin ang moral nito sa gitna ng kinakaharap na international sanctions dahil sa pagpapakawala ng mga missile sa nakalipas na mga buwan.

Bagamat hindi idinetalye ni Park kung ano ang mga naturang senyales pinahahanda na nito ang pwersang militar ng sokor sa anumang probokasyong gagawin ng kalapit na bansa.

Speak Your Mind

*