Ilang bahagi ng Silangang-Asya, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang ilang bahagi ng Silangang-Asya.

Ayon sa us Geological Survey (USGS), naramdaman ang naturang pagyanig sa Pakistan, Afghanistan at India.

Naitala ang sentro ng lindol sa layong 40 km Hilagang-Kanluran ng Ashkasham sa Northeastern Afghanistan.

Naramdaman din ito sa Pakistani City kung saan nakapagtala ito ng hindi bababa sa isa ang nasugatan.

Suwerte namang walang nai-ulat na nasawi at pinsala sa naturang pagyanig.

Matatandaan naman na noong nakaraang taon, niyanig ng magnitude 7.5 na lindol ang Afghanistan at Pakistan kung saan nagtala ito ng mahigit na tatlong daang katao ang nasawi habnag libo-libong mga kabahayan naman ang napinsala.

Speak Your Mind

*