Ilang kandidato sa Pangasinan, nag-aplay ng exception para sa security excort

Ilang kandidato na sa lalawigan ng Pangasinan ang nag-aplay ng exception para sa security excort.

Ito ang kinumpirma ni Pangasinan Provincial Supervisor Atty. Joel Ginez kung maaari umanong mag-aaply rito ang mga kandidatong may banta sa buhay.

Hindi naman ito pinangalanan ni Ginez ngunit pawang mga incumbent politician umano ang nag-aply ng temporary certificate of authority para sa kanilang mga excort.

Nabatid na dahil sa ipinapatupad na Comelec gun ban, tanging ang mga otoridad lamang mula sa hanay ng pulis at militar ang nabigyan ng exception sa pagdadala ng baril na kailangan para sa kanilang trabaho.

Speak Your Mind

*