Ilegal drugs, idedeklarang national security issue ni Duterte pag-naging pangulo na siya ng bansa

Sakaling mahalal na pangulo ng bansa si PDP Laban Standard Bearer Rodrigo Duterte ay una nitong idedeklara ang iligal na droga bilang national security issue sa pamamagitan ng isang executive order.

Ayon kay Duterte, gagamitin nito ang dalawang dibisyon ng Philippine Army na ranger-trained at tatlong libong pulis sa pagsugpo ng droga sa bansa.

Una nang sinabi ni Duterte na ipaguutos nitong ipapatay ang mga kriminal at sangkot sa iligal na droga kapag nanlaban ito sa mga awtoridad.

Matatandaang nangako si Duterte na tatanggalin nito sa bansa ang kriminalidad, droga at korapsyon sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan.

Speak Your Mind

*