Inamyendahang General Instructions ng Comelec, nakatakdang ilabas

Target ng Commission on Elections na i-release ang inamyendahang General Instructions para sa mga Board of Election Inspectors (BEI’s) sa Biyernes.

Ito’y kahit pa sisimulan na sa Sabado ang overseas absentee voting.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi naman mapanganib ang pag-iisyu ng Elections General Instructions isang araw bago ang overseas voting.

Samantala, tikom naman ang bibig ng Comelec sa umano’y desisyon ng korte suprema sa kandidatura ni Sen. Grace Poe.

Hihintayin aniya nila ang pormal na anunsyo ng hukuman.

Speak Your Mind

*