Industriya ng mangga sa Pangasinan, bahagyang humina

Aminado ang Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) na matamlay ngayon ang paglago ng industriya ng mangga sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni OPAG Officer Dalisay Moya sa panayam ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP Forum.

Ayon kay Moya, epekto ito ng nagdaang bagyo noong nakaraang taon kung saan nataong namumulaklak ng mga mangga nang tumama ang bagyong lando.

Maliban dito, sinalanta rin ng mga pesteng kurikong o Cecid Fly ang mga bunga ng mangga.

Dahil dito, isinusulong aniya ngayon ng OPAG ang Bagging Technology o pagbabalot sa mga bunga ng mangga ay isang pamamaraan upang hindi ito basta-basta mapasok ng mga insekto.

Sa kabila nito, inihayag naman ni Moya na nananatili paring number one ang lalawigan sa buong bansa na nakapagsu-suplay ng masarap at matamis na mangga.

Speak Your Mind

*