Information campaign, isasagawa ng Colemec kaugnay sa voters receipt

Nakatakdang magsagawa ng malawakang information campaign ang Commission on Election o Comelec sa mga botante hinggil sa paggamit ng voters receipt.

Ito’y dahil hindi nakasama sa mga isinagawang mga training ng mga Board of Election Inspectors (BEIS) ang tungkol sa voters receipt , isa sa bagong paraan ng pagboto ngayong darating na eleksyon sa Mayo a-nuebe.

Ayon kay Atty. Nathaniel Siaden, Comelec Officer ng Dagupan City, kailangang aktuwal na ipakita sa mga botante kung paano mag-isyu ng resibo ng Vote Counting Machine o VCM at kung paano binasa ang kanilang mga boto.

Nilinaw naman ni Saiden na hindi maaaring kuhain o dalhin sa labas ng presinto at iuwi ng mga botante ang mga voters receipt upang maiwasan na magamit ito sa mga vote buying.

Speak Your Mind

*