Internet, malaking tulong sa Pagasa sa panahon ng kalamidad

Malaking tulong ang Internet sa Pagasa sa pagpaparating ng weather forecast at bulletin sa mamamayan lalo na tuwing may dumarating na kalamidad.

Ayon kay Engr. Greg de Vera II, Chief Meteorological Officer ng Pagasa Dagupan na kapag nagkaroon na ng problema sa kanilang komunikasyon sa panahon ng  kalamidad ay binubuksan na rin ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Council ang internet, lalo’t uso na rin ngayon ang wi-fi at broadband.

Sinabi ni de Vera na kapag nagbagsakan ang mga puno at nadawit ang kable ng telepono ay wala na ring komunikasyon.

Dagdag ng Chief ng Pagasa na ang pag-iisyu dati ng pagasa ng Weather Bulletin o warning ay kada anim na oras.

Sa pag-upo umano ni Pangulong Noynoy Aquino ay may direktiba ito sa Pagasa na kung nag-landfall na ang bagyo ay dapat kada oras na ang pagpapalabas nila ng update sa posisyon ng bagyo sa mga apektadong lugar.

Speak Your Mind

*