Ipinatupad na E-filing ng BIR, epektibo

Epektibo umano ang ipinatupad na Electronic System o E-filing ng Bureau of Internal Revenue o BIR para sa pag pila ng Income Tax Return (ITR).

Ito ang inihayag ni Carmelito Caday Jr., head ng Taxpayers’ assistance unit ng BIR-Region 1, sa panayam ng Sonshine Radio.

Sinabi ni Caday, na batay sa kanilang monitoring lahat ng district offices sa lalawigan ng Pangasinan ay hindi dinagsa ng mga tax payer sa huling araw o deadline sa filing ng ITR.

Nangangahulugan aniya na marami na ang gumagamit ng E-filing dahil mas maaga nang nakapag-pila ang mga nagbabayad ng buwis gamit ang computer.

Nabatid na ipinatupad ang mandatory used of bir form para sa lahat ng mga tax payers gaya ng self employed, professional individual at mga kompanya para mabawasan ang inaasahang pila sa araw ng deadline ng ITR.

Speak Your Mind

*