Isasagawang Diskwento Caravan ng DTI sa bayan ng Bolinao, kasado na

Patuloy ang Department of Trade and Industry (DTI)-Pangasinan sa pagsasagawa ng diskwento caravan.

Sa Abril a-bente sais ay ilulunsad ang caravan sa Don Raymundo Celeste Sports Complex sa bayan ng Bolinao.

Sinabi ni Provincial Director Engr. Peter Mangabat na malaking diskwento ang makukuha ng mamamayan sa pangtangkilik sa Diskwento Caravan.

Aabot ng lima hanggang bente porsyento ang maaaring diskwento na makakamit ng konsumer.

Malaking bawas din ang gugugulin ng mga konsumers sa pamasahe at oras dahil mas inilapit ng dti sa mamamayan ang kanilang serbisyo.

Ang mga mabibili sa Diskwento Caravan ay mga grocery items, appliances, gamit pang-eskwela, construction materials at mga gamit pang-electrical.

Speak Your Mind

*