Isyu ng kurapsyon, mainit na pinagdedebatehan ng mga kandidato sa pagka-Bise Presidente

Hugas kamay at walang bahid ng katiwalian ang mga kandidato sa pagka-bise presidente sa isinagawang Vice Presidential debate sa University Of Sto. Tomas.

Ito’y nang pare-parehong sumagot ng ‘no’ ang mga kandidato sa tanong kung sino sa kanila ang sangkot sa tiwaling gawain o kurapsyon.

Gayunman, halos pinagkaisahan ng mga Vice Presidential Candidates si Senador Bongbong Marcos partikular sa isyu ng kurapsyon at ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Binigyang-diin ni Senador Alan Peter Cayetano ang apat na bilyong piso na umano’y ninakaw ng pamilya Marcos sa kaban ng bayan.

Ngunit paglilinaw ni Bongbong, ang nasabing halaga ay hindi pa napatutunayan sa korte na ninakaw ng kanyang ama at ito ay bahagi lamang ng pamumulitika.

Binatikos din ng mga kasamahang Vice Presidentiables ang hindi pagsama ni Marcos sa mga kampanya laban sa katiwalian.

Speak Your Mind

*