Japan, niyanig ng magnitude 6.2 na lindol

Nasa tatlong katao na ang naiulat na nasawi sa naganap na magnitude 6.2 na lindol sa Southern Japan kagabi.

Sa tala ng U.S. Geological survey, naganap ang lindol walong kilometro sa tamana city at may lalim itong 10 kilometro.

Aabot naman sa mahigit na limampung kataong sugatan naman ang dinala sa mga pagamutan.

Makalipas naman ang ilang minuto, naramdaman naman ang magnitude 5.7 na after shock.

Kaugnay nitom, pinangangambahan naman na posible pangtumaas ang bilang ng mga nasugatan matapos ang naturang lindol dahil sa pag-collapse ng ilang mga gusali.

Una ng nai-ulat na nasa halos dalawampung mga kabahayan ang nasira sa naturang lindol.

Speak Your Mind

*