Julio Diaz, kritikal pa rin kahit tapos na unang surgery

Kritikal pa rin ang aktor na si Julio Diaz kahit pa successful na ang first surgery nito.

Nasa recovery room na ito sa ICU ng St. Luke’s Global City sa Taguig, ayon na rin sa kapatid na si Ana Marie Datuin.

Magtatagal daw doon si Julio ng isang linggo habang inoobserbahan.

Humihiling pa rin ng dasal ang pamilya para sa kagalingan ng aktor.

Speak Your Mind

*