K to 12 transition program, patuloy na isinasagawa ng CHED Region 1

Patuloy ang mga isinasagawang programa ng Commission on Higher Education (CHED) Region 1 para hindi masyadong maapektuhan ang ahensya sa ipinatupad na K to 12 Program ng Department of Education (DepEd).

Inihayag ni CHED Region 1 K to 12 Program management unit’s grant coordination officer Mr. Mel Ancheta sa panayam ng Sonshine Radio na ito ay sa pamamagitan ng K to 12 Transition Program.

Kabilang na aniya rito ang programa na scholarship, sectoral engagement, research, instruction, senior high school support at foreign scholarship sa lahat ng faculty at staff ng CHED Region 1.

Kasabay nito hinikayat ni Ancheta ang lahat ng mga higher education institution na sa halip na ilipat ang kanilang mga faculty sa basic education o senior high school ay mas mabuting sumailalim nalang ang mga ito sa scholarship program ng CHED.

Sa ganitong paraan aniya ay mas mapapataas at mapapalawak ang kakayahan at kalidad ang kanilang pagtuturo.

Speak Your Mind

*