Kahalagahan ng pagkakaroon ng SSS Luggage Tag, iginiit

Mahalaga na magkaroon ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) at maging ibang miyembro ng Social Security System (SSS) ng luggage tag.

Ito ang inihayag ni Maureen Inocencio – SSS Senior Communication Analyst – Central Luzon sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi ni Inocencio na sa pamamagitan ng tag ay mas madaling matatandaan ng mga OFW ang kanilang ss number dahil naka-imprenta dito ang pangalan, SS number, OFW coverage status at petsa ng pag-iisyu ng card.

Aniya, sa luggage tag ay mas madaling tandaan ang SS number at kung magke-claim ng SSS benefits ay mas madali ang magiging proseso.

Nilinaw naman ni Inocencio na isa lamang ang luggage tag sa mga serbisyong ibinibigay ng SSS para sa mga miyembro na OFW kabilang na rito ang SSS Flexi Fund at ang pagtatatag ng SSS office sa ibayong dagat.

Speak Your Mind

*