Kaligtasan ng media, tiniyak ni Duterte sakaling mahalal sa pagkapangulo

Nagbigay ng katiyakan si PDP-Laban Standard Bearer at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kapag nahalal ito sa pagkapangulo ay poprotektahan nito ang miyembro ng media.

Ayon kay Duterte, kadalasan ay nalalagay sa alanganin ang buhay ng media practitioner kung kaya’t nararapat lamang na tiyakin ng pamahalaan ang kanilang kaligtasan.

Binigyang diin din ni Duterte ang mahalagang papel na ginagampanan ng media lalong-lalo na kung walang credible opposition party ang media ang maasahan ang publiko.

Matatandaang hinamon ng National Press Club ang mga presidential candidate na ilahad nito ang kanilang agenda para sa media at kung papaano masososlusyunan ang media kilings sa bansa.

Speak Your Mind

*