Kamara, magsasagawa ng inquiry sa isyu ng kuryente sa May 9

Nakatakdang dinggin ng House Committee on Energy ang kahandaan ng pamahalaan at pribadong sektor para sa sapat na suplay na kuryente sa May 9 national elections.

Ayon kay Rep. Reynaldo Umali, Chairman ng Lupon, gagawin nila ang hearing sa April 27, at pahaharapin ang mga opisyal ng energy sector at ilang concerned groups.

Sinabi ni Umali na nais ng komite na malaman ang power outlook sa mismong halalan, lalo’t automated ang sistema.

Bukod dito, ani Umali, kailangang masiguro na mayroon action plan ang gobyerno upang makatugon kapag may mga brownout sa kasagsagan ng botohan.

Dagdag ng kongresista, marapat na ipaalala sa mga kalahok ang Interruptible Load Program o ILP, lalo na kung magiging kritikal ang suplay ng kuryente sa mga darating na araw.

Speak Your Mind

*