Kampanya kontra dengue, tuloy parin kahit mainit ang panahon

Sa kabila ng nararanasang init ng panahon, tuloy parin ang kampanya kontra dengue sa lalawigan ng Pangasinan.

Itoy matapos makapagtala ng mataas na kaso ng dengue ang Provincial Health Office o PHO ngayong taon.

Ayon kay PHO Officer Dr. Anna de Guzma, limandaang kaso ang naitala ngayong 2016 mataas kumpara sa apatnaraan naitala sa kaparehas na panahong noong 2015.

Nangangahulugan aniya na tumaas ng halos apatnaput anim na porsyento ang naitalang dengue cases.

Nilinaw naman ni de Guzman na mababa parin ang naitalang kaso ng dengue sa probinsya kasya mga karating lalawigan kung saan ang Pangasinan ay kinukunsiderang may tatlong milyong populasyon.

Speak Your Mind

*