Kampanya ng PHO sa pagbabakuna sa mga sanggol, patuloy

Iginiit ng Provincial Health Office o PHO Pangasinan ang kahalagahan ang pagbabakuna sa mga sanggol matapos itong isilang ng kanyang ina.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay nurse Karen dela Cruz ng PHO, nilinaw nito na libreng ibinibigay ang bakuna sa mga sanggol sa pamamagitan ng barangay health station kung saan maaaring pumunta ang ina.

Kabilang na aniya sa hindi dapat makaligtaang bakuna para sa mga sanggol matapos itong ipanganak ang VPT-Hepa B, Oral Polio Vaccine (OPV), pneumococcal conjugate vaccine, at rotavirus vaccine.

Dagdag pa ni Dela Cruz na dalhin lamang na ECCD card na ibibibigay sa mga ina at sanggol kung pupunta sila sa mga health center para sa record ng sanggol.

Hindi rin umano dapat pumalya sa measles vaccine ng sanggol kung edad siyam ng buwan na ito, at pagsapit naman ng isang taon ay maaari na itong bakunahan ng mmr o measles, mumps, and rubella vaccine.

Speak Your Mind

*