Kampo ni Duterte, nagpasalamat sa taumbayan pangunguna nito sa latest SWS survey

Nagpasalamat sa taumbayan ang kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kamara kaugnay sa pangunguna nito sa latest SWS survey.

Ayon kay Davao City Rep. Karlo Nograles, lubos silang nagpapasalamat sa mga volunteer supporters ni Duterte sa kabila ng kakulangan sa makinarya para sa pangangampanya.

Dahil sa bayanihan spirit ng mga supporters ng alkalde at paggawa ng kanya-kanyang campaign materials para ikampanya si Duterte ay humatak pataas ang ratings nito na umangat na sa 27%.

Umaasa ang kongresista na magtutuloy tuloy ang suporta ng mga tao kay Duterte hanggang sa araw ng botohan dahil dito lamang sila nakadipende para sa ikapapanalo ng alkalde sa pagkapangulo.

Speak Your Mind

*