Kampo ni Duterte, tinawag nang desperado si Sen. Trillanes

MayorsaLingayen2

Desperado na.

Ito ang matapang na pahayag ni Peter Laviña, tagapagsalita ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ito’y matapos sabihin ni Trillanes na mayroon umanong 211 million peso hidden wealth si Duterte.

Sa isang panayam, sinabi ni Trillanes na napatunayan na ng pahayagang naglabas ng ulat na totoo ang hidden bank account ni Duterte.

Hinamon din ni Trillanes si Duterte na pumirma ng waiver para mabuksan ang naturang account.

Ipinaalala naman ng kampo ni Duterte na pumirma na ng waiver ang alkalde at ang running mate nitong si Senador Alan Peter Cayetano.

Tinawag din ni Laviña si Trillanes na “Attack Dog” ng katunggali ni Duterte na si Senador Grace Poe na sinusuportahan ni Trillanes.

Speak Your Mind

*