Karagdagang pasilidad ng BJMP, itatayo sa lungsod ng Alaminos

Magkakaroon na ng pasilidad ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod ng Alaminos.

Ito ang kinumpirma ni Chief Inspector Condralyn Alfonso, Chief ng Operations Division ng BJMP –Region One at dagdag niya na sa kasalukuyan ay ipinuproseso na ang pagpapatitulo sa 4,000 square meters na lote para sa nasabing pasilidad.

Siniguro naman ni Alfonso na sa kasalukuyan ay mayroong nakalaang pondo para sa konstruksyon ng perimeter fence at isang jail building sa nasabing lote.

Magkakaroon rin ito ng recreational, livelihood, educational, entertaining area at jail dormitory para sa mga preso.

Inaasahan na sa loob ng tatlong taon ay maipapatayo na ang pasilidad, na isang nakikitang solusyon para mabawasan ang problemang pagsikip ng mga selda sa Burgos District Jail.

Speak Your Mind

*