Karagdagang pasilidad sa BJMP-Urdaneta, malapit ng matapos

Patapos na ang konstruksyon ng two-storey building sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod ng Urdaneta.

Sinabi ni Chief Inspector Roque Constantino Sison III, District Jail Warden na ang unang palapag ay magsisilbing infirmary, habang ang pangalawang palapag ay magsisilbing selda ng mga preso na mayroong sakit.

Paliwanag ni Sison sa sonshine radio na ito ay isa sa mga paraan para mabigyang solusyon ang pagsikip ng pasilidad.

Ang pondo na inilaan para sa nasabing proyekto ay mula sa BJMP National.

Speak Your Mind

*