Kaso ng Cute Gastroenteritist sa Pangasinan, pumalo na sa mahigit isanlibo

Pumalo na sa isanlibo tatlong daan walumpot dalawa (1,382) ang kaso ng Cute Gastroenteritist na naitala ng Provincial Health Office (PHO) Pangasinan ngayong unang quarter ng taon.

Ayon kay PHO Officer Dr. Anna Maria Teresa de Guzman, ang mataas na bilang ng Cute Gastroenteritist ay dulot nang mainit na panahon na nararanasan ngayon na nagiging dahilan ng pagkasira o pagkapanis ng pagkain.

Maliban dito, isa rin sa nakikitang dahilan ng kaso ng Cute Gastroenteritist ay ang hindi tamang paghahanda ng pagkain at maruming inuming tubig, daan sa mabilis na pagkalat ng bacteria.

Sinabi pa ni de Guzman, na kalimitan ang mga sintomas ng naturang sakit ay mananakit ng tiyan, pagtatae, at panghihina ang katawan.

Patuloy namang nagpapaalala ang mga health official sa publiko na maging maingat sa mga binibiling pagkain at pakuluan ang mga inuming tubig bago inumin.

Speak Your Mind

*